21 katao patay matapos tumaob ang isang bangka sa India

Hindi bababa sa 21 katao ang namatay matapos malunod nang tumaob ang isang bangka sa coastal town ng Tanur sa Malappuram district sa Kerala, India ngayong araw.

Read More:  Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16

Ayon sa local police, isinisi ang trahedya dahil “overcrowded” ang bangka na may lulang humigit-kumulang 40 pasahero.

Humigit-kumulang 10 pasahero naman ang kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang ospital.

Read More:  3 Filipino Workers injured in Riyadh blast show signs of recovery

Sinabi ng pulisya , inaasahang tataas ang bilang ng mga namatay dahil marami pa ang hindi nakalabas sa bangka matapos maipit sa putik.//CA