Natanggap na ni Pangulong Bongbong Marcos ang kopya ng P5.768Trillion na National Expenditure Program (NEP) para sa susunod na taon.
Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kopya nito sa Malacañang ngayong araw.
Mas malaki ito ng 9.5% kumpara sa National Budget ngayong taon.
Ayon sa DBB, bibigyang prayoridad sa naturang spending sa susunod na taon ang mga infrastructure projects, investments sa human capital development, food security, at environmental sustainability.
Kagaya rin ng mga nagdaang National Budgets – education sector pa rin ay may pinakamalaking budget allocation.
#