2021 poverty incidence ng mga pamilya sa Albay, mas mababa kumpara sa ilang lalawigan sa rehiyon – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Naglabas ng datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol ng kanilang datos ukol sa poverty incidence ng mga pamilya sa Albay noong nakaraang taon.

Batay sa datos, nakuha ng Albay ang 15.4% poverty incidence noong 2021, mas mababa kung ikukumpara sa ilang mga lalawigan katulad ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon na mayroong mahigit pa sa 16%.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Mababa man ang porsyentong nakuha ng Albay kumpara sa ilang lalawigan noong 2021, mas mataas naman ito kung ikukumpara sa taong 2018 na may 15.0% poverty incidence.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Samantala, noong taong 2015 naman ay nakuha ng lalawigang ang 18.5% poverty incidence na mas mataas sa mga sumunod na taon.