CAMARINES NORTE- Nakapagbakuna ang iba’t- ibang Local Government Unit (LGU) sa lalawigan ng Camarines Norte ng nasa 324 na indibidwal sa loob ng isang araw noong October 13 araw ng Huwebes.
Batay ito sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center.
Sa 324 na nabakunahan karamihan dito ay booster shot na nasa 135.
Nasa 86 naman ang tumanggap ng booster dose at 56 ang second booster habang mayroong 47 additional dose.
Karamihan sa mga itinurok na bakuna ay Pfizer na mayroong 299 at 25 naman ang Sinovac.
Patuloy naman ang panghihikayat ng Department of Health sa publiko na magpabakuna lalo na ang mga dapat nang magpa booster.
Ito ay upang maiwasan ang severe case ng COVID- 19 lalo na sa senior citizen at mayroong comorbidity.
