Hakbang upang mapanatili ang mababang porsyento ng poverty incidence, inilahad ng NEDA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) Bicol ang mga kinakailangang gawin upang mapanatili ang mababang porsyento ng poverty incidence sa Albay.

Ayon kay NEDA Bicol Regional Director Agnes Tolentino, kinakailangang maprotektahan ang “purchasing power” ng mga pamilya sa pamamagitan ng food security, at ang pagbawas sa gastos ng transportasyon, enerhiya at sa logistic.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Yaman din lamang na ang malaking porsyento ng kinikita ng pamilya ay napupunta sa pagkain, kinakailangang mas paunlarin ang produksiyon, lalung-lalo na sa agrikultura.

Sa pamamagitan umano nito ay mas madali at mas mababa ang magiging gastos ng bawat pamilyang Pilipino.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kaya naman, hinihimok ni Tolentino ang Department of Agriculture (DA) na mas pagandahin at mas magkaroon pa ng mga programang pang-agrikultura. Gayundin naman, hinihimok din ang mga magsaaka na mas maging produktibo, at ang bawat isa ay maging innovative pagdating sa paggamit ng mga teknolohiya.