Long-term solusyon sa water shortage, ipinanawagan

Nanawagan si Valenzuela City 2nd District Representative Eric Martinez na magkaroon ng long-term o pangmatagalan at proactive na solusyon sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na makakaapekto sa suplay ng tubig.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sabi ng mambabatas – dapat na itong magsilbing hudyat upang bumuo na ng ‘integrated action plan’ na tutugon sa isyu ng water shortage.

Dagdag pa ni Martinez, maliban sa mga kabahayan ay maaapektuhan din ng nakaambang water shortage ang sektor ng agrikultura at iba’t ibang mga negosyo.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Binigyang-diin din nito na maliban sa pagtitipid ng tubig ay nararapat na maghanap na ng alternatibong water source.

Matatandaang 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay mula sa Angat Dam.//ACM