20,000 personnel mula sa PCG, naka full alert sa paparating na long weekend

Mahigit 20,000 personnel mula sa Philippine Coast Guard (PCG) ang naka full alert sa paparating na long weekend, kung saan inaasahang ang pagdagsa ng tao at pasahero dahil sa Baranagay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Armand Balilo, naka standby rin ang 10,000 pang personnel kung sakaling kailanganin ng karagdagang pwersa mula sa ahensya.

Pinapayuhan ng PCG ang publiko na sundin ang lahat ng alituntunin sa kaligtasan at iba pang mga regulasyon sa kanilang paglalakbay upang maiwasan ang anumang abala.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Binalaan din ni Balilo ang mga boat operator na sundin ang mga protocol sa paglalayag, kabilang na ang hindi pagtuloy sa biyahe sakaling magkaroon ng masamang panahon.