2,000 na benepisaryo ng CAMP, natanggap na ang 5,000 cash assistance

Natanggap na ng mahigit 2,000 na benepisaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment at Department of Tourism ang kanilang one-time cash assistance na 5,000 pesos.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang naturang bilang ng mga benepisaryo ay nagmula sa Alicia, Isabela.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang nasabing financial support ay para sa mga empleyado na nawalan ng pagkakakitaan dahil pansamantalang nagsarado ang mga pribadong establishimentong kanilang pinapasukan dahil pa rin sa epekto ng pandemya.

Pinasalamatan naman ni Isabela Vice Governor Bojie Dy ang DOLE at DOT sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa lalawigan ng Isabela habang hinikayat naman nito ang mga benepisaryo na gamitin sat ama ang natanggap na ayuda.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Bukod sa CAMP Assistance ay tiniyak naman ni Gov. Rodito Albano III na tutulungan ang mga benepisaryo upang malago ang duck industry sa bayan ng Alicia.