20 patay sa 5.9 magnitude na lindol sa Pakistan

Patay ang dalawampung tao habang sugatan ang mahigit sa 200 tao nang yanigin ng magnitude 5.9 na lindol ang Pakistan.

Ayon sa report, sentro ng pagyanig ang Balochistan province kung saan daan-daang bahay ang mga nawasak habang pinakamalaking pinsala sa Harnai city.

Read More:  California Governor commutes death sentences of 548 inmates on death row

Kaugnay nito ay inatasan ni Pakistan Prime Minister Imran Khan ang militar na magsagawa ng rescue operations sa mga naapektuhang lugar.

Hindi naman madali ang pagkilos ng mga otoridad dahil maliban sa lindol ay sumabay pa ang malakas na ulan na dahilan ng landslides.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Nangangamba naman ang mga otoridad na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga casualty bunsod ng lindol.