NAGA CITY- Dagsa na ang mga pumupunta sa malls, iba pang pamilihan at pampublikong merkado sa Naga City. Gayundin sa ilang pasyalan kung saan kasa-kasama ang mga bata.
Hindi man pumasok sa mga establishments ramdam din ito ng mga nasa labas dahil sa bigat ng daloy ng trapiko. Sitwasyong tila ba balik na sa normal.
Kaya limang araw mang straight na walang COVID-case ang lungsod sinabi sa Brigada News FM Naga ni City Director PCol. Marlon Catan, nakabantay ang mga tauhan ng Naga City Police Office, may sumisita sa mga lumalabag sa health protocols. Naiintindihan din ng PNP kung bakit isinasama ang mga bata. Maliban kasi sa upang makapamasyal at samantalahin ang panahon na pinapagayan sila sa malls ang iba ay walang maiiwanan sa bahay.
Nakikiusap din ang PNP na abala man bago ang pasko, huwag makakalimot dahil nasa pandemya pa rin. Ngayon lima na lamang ang aktibong COVID-cases.