19 na myembro ng 4Ps sa Bicol, inalis sa 1st quarter ng taon 2022

LEGAZPI CITY – Aabot sa 19 na myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bicol Region ang tinanggal sa unang Quarter ng taon 2022.

Ito ang inihayag ni Prescilla Saladaga, ang 4ps Regional Program Coordinator sa Brigada News Fm Legazpi.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Saladaga, ang mga tinanggal na myembro ay mga naglabag sa nasabing program.

Aniya, ilang myembro nito ang ginagamit ang kanilang cash card sa pangungutang o collateral.

Base sa kanilang pag iimbestiga, dalawang beses sila na binigyan nang pagkakataon ngunit muli nila itong ginawa sa ikatlong pagkakataon kung kayat tinanggal na ang mga ito sa 4ps.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Kung matatandaan, kasama sa panunumpa ng 4Ps na ipinagbabawal ng ahensya na magsangla ng cash card bilang protection ng mga 4ps benefeciaries upang hindi maging biktima ng loan shark o malaking interest sa pangungutang.