Arestado ang dalawang indibidwal na may kinakaharap na kaso sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon.
Sa bayan ng Bulan, arestado ang 34-anyos na mangingisda na si Aljun Bazarte Gimoro naninirahan sa Purok 7, Brgy Quezon.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 65 sa kasong paglabag sa RA 8550 o ang Phil. Fisheries Code of 1998 na may inirekomendang piyansa na P20K para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Isang 31-anyos naman na construction worker ang hinainan ng kanyang warrant of arrest sa Brgy Cumadcad, Castilla dahil sa kinakaharap nitong robbery in a public building na nangyari sa lungsod ng Legazpi.
Kinilala ang akusado na si Jason Maquiñana Camacho alias Rix, residente ng Brgy Cogon ng nasabing bayan.
May standing warrant of arrest ito na pinalabas ng RTC Br 6, Legazpi City na may petsang Hunyo 20, 2012 at may itinakdang piyansa na P24K.
