2 umano’y tulak, arestado sa Lemery, Batangas

Arestado ang dalawang tulak umano ang iligal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Lemery, Batangas noong Lunes, Agosto 22, 2022.

Kinilala ng Lemery Municipal Police Station ang unang nahuling suspek na si Romeo Cadorna Jr., 47 anyos at residente ng Brgy.District IV ng naturang bayan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kalaboso ito matapos na pagbentahan ng pinaniniwalaang Shabu ang pulis na nagkunwaring buyer sa Barangay Palanas, pasado alas-6:00 ng gabi.

Narekober sa kanya ang isang pakete ng pinaniniwalaang Shabu at 500 pesos na buy bust money.

Pasado alas-10:00 naman ng gabi nang maaresto ang suspek na si Regidor Villanueva sa buy bust sa Barangay Ayao-Iyao, Lemery.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nakuha mula sa 49 anyos na suspek ang isang pakete ng iligal na droga at 500 pesos na marked money.

Nakakulong na ang dalawang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.