11 bayan naapektuhan ng bagyong Florita sa Region 3

Naapektuhan ng bagyong Florita ang labing-isang bayan sa Central Luzon.

Ito ay base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development Disaster Response and Management Division sa Region 3.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

 Base sa ulat as of 8AM ng August 24, nasa dalawamput walong Barangay, 255 pamilya at 914 indibidwal ang biktima at apektado ng Severe Tropical Storm Florita sa rehiyon.

Ang mga naapektuhang lugar ay mula sa Aurora, Zambales at lalawigan ng Tarlac.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Samantala, wala naman umanong naitalang nasaktan sa pangyayari maliban sa naiulat na isang totally damage na bahay sa probinsya ng Zambales.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DSWD Central Luzon