2 silid aralan sa isang Elementary School sa bayan ng Labo pinagnakawan ng hindi nakilalang mga suspek

CAMARINES NORTE- Sa pamamagitan ng pagsira ng mga window grills at pagtanggal ng jalousie sa likurang bintana sa dalawang magkatabing silid aralan ay nanakawan ang  Marcos Pimentel Elementary School sa Brgy. Masalong, Labo, Camarines Norte

Naganap ang pagnanakaw ng hindi nakilalang mga suspek nitong linggo

Sa report ng pulisya, dakong 9:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa Punong Guro ng naturang paaralan ang himpilan ng Labo kaugnay sa nakawan na naganap bandang 1:00 hanggang 5:00 ng umaga nitong linggo

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Labo MPS, diumano ay nakapasok ang di pa nakikilalang suspek sa pamamagitan ng pagsira ng mga window grills at pagtanggal ng jalousie sa likurang bintana nito.

Nakuha ng suspek Dalawang (2) piraso ng Samsung TV na nagkakahalaga ng Php15 ,000.00 bawat isa; Isang (1) piraso ng rice cooker; Dalawampu’t Limang (25) piraso ng jalousie blades; extension wire; Labing-Isang (11) piraso ng plastik na upuan; Isang (1) pares ng sapatos na pambabae; at  Isang (1) sako ng sari-saring kurtina.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kasalukuyan nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Labo MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkahuli ng salarin.

Nagpaalala naman ang CNPPO sa pamamagitan ni Provincial Director PCOL JULIUS D GUADAMOR na maging listo at mapagmatyag sa anumang oras at araw, upang masawata ang paglaganap ng masasamang gawain lalo na ang pagnanakaw