2 pulis na sangkot sa pamamaril sa kanilang kabaro, itinuturing nang AWOL ng PNP matapos balewalain ang return to work order

Itinuturing nang AWOL ng Philippine National Police ang dalawang pulis na sangkot sa pamamaril at pagpatay kay Capt. Roland Moralde sa Parang, Maguindano del Norte noong May 2.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y dahil binalewala ng 2 ang return to work order ng Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region para maisailalim sa restrictive custody.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng PNP ang pagsasampa ng reklamo laban sa piskal sa Maguindanao del Norte na nag utos na palayain ang 2 pulis.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ayon kay Fajardo, lumilitaw na may conflict of interest dahil ang asawa ng piskal ay kaanak ng dalawang police suspects.

Iginiit ni Fajardo na nag-inhibit dapat ang piskal kung may kaugnayan ito sa mga suspek

Bunsod nito ay humirit na ang PNP-bangsamaro na mailipat ang kaso rito sa Metro Manila.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nanindigan ang opisyal na murder ang kaso dahil malinaw naman sa CCTV na walang kalaban laban si Moralde nang pagbabarilin ito

Sa katunayan, nakabagsak na ang police captain subalit patuloy syang pinagbabaril.

Lumilitaw na labing isang tama ng bala ang tinamo ni Moralde na naging sanhi ng kanyang kamatayan.