Na-contempt ng House Committee on Public Order and Safety ang isang police brigadier general at isang police colonel kaugnay sa ilegal na pag-aresto sa apat na Chinese national.
Nakakulong ng 30 araw sa Kongreso sina Police Brigadier General Roderick D. Mariano at Police Colonel Charlie Cabradilla.
Ito’y mapagdesisyonan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na nagsisinungaling ang dalawa.
Inaprubahan din ng Komite ang mosyon na nagpapalawig ng 15 araw sa pagkulong sa anim pang pulis na una nang na-cite in contempt at ikinulong sa nakaraang pagdinig ng Kamara.
Maalalang sumoko kay Cong. Tulfo ang driver/bodyguard ng apat na Chinese citizen na si Michael Novecio, kaugnay ng pagdukot sa kanyang mga amo, na umano’y mga pulis.