2 Provincial MWP, arestado sa magkahiwalay na lugar sa Albay sa kasong rape at acts of lasciviousness

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng mga kapulisan ang dalawang Provincial Most Wanted Person sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Albay matapos umano itong magtago ng ilang taon dahil sa kasong attempted rape at acts of lasciviousness.

Unang nahuli si alyas “William” sa Zone 2 Brgy. Salvacion, Polangui.

Isinilbi sa akusado ang warrant of arrest na pirmado ni Hon. Ritchie Reyes Regala, presiding Judge RTC Branch 8, Legazpi City dahil sa kasong attempted rape.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, naaresto naman si alyas “Tatoy” sa Purok 2, Brgy. San Roque, Legazpi City at residente ng Brgy. Dapdap ng kaparehong lungsod.

Isinilbi din sa kanya ang warrant of arrest na pirmado ni Hon. Damidol Awayan Luisito, presiding judge RTC Branch 1, Family Court ng lungsod dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aabot naman sa PHP180,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Napag-alaman na iisa lamang ang menor de edad na nabiktima ng dalawang akusado at nangyari rin ang ay bago ang pandemya.

Sa ngayon, ang mga akusado ay nasa kostudiya na ng Legazpi City Police Station para sa kaukulang disposisyon.