Ilegal na pagsusugal sa peryahan sa bayan ng Goa, Camarines Sur, binabantayan ng PNP

CAMARINES SUR  — Binabantayan ngayon ng mga personahe ng Goa Municipal Police Station lalo na kapag gabi, ang binuksan nang peryahan at carnival sa bayan ng Goa, sa Partido Area, upang maiwasan ang mga ilegal na sugal.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Police Major Romeo Ranara, ang Acting Chief Of Police ng Goa MPS, bagaman may permit sa lokal na pamahalaan at lumapit na rin sa himpilan ng pulisya upang legal na makapag-operate, ayon sa opisyal, titiyakin pa rin aniyang walang mangyayaring ilegal na aktibidad sa nasabing pasyalan.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kaugnay nito, lalo na kapag gabi, naka-monitor rin aniya ang ilan sa kanilang mga personahe kasama na ang mga barangay tanod upang magronda para sa kaligtasan ng mga namamasyal. Nagpaalala rin si Ranara sa mga mamasyal na kung mapu-pwede ay huwag nang magdala nang mga mamahaling alahas o gamit upang maiwasang mawala ang mga ito o di kaya ay masalisihan ng mandurukot. Samantala, ngayong nakalatag na ang iba’t-ibang aktibidad ng LGU kaugnay ng papalapit na ika 247th Town Fiesta ng nasabing bayan, tiniyak rin ng PNP ang seguridad ng mga dadayo at bisita.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City