2 motorsiklo na hiniram, ‘kinahoy’ daw sa Motor Shop

Nagreklamo muli sa Brigada News FM si ginoong Jose Romeo S. Ko matapos mabawi sa nanghiram ang kanyang dalawang motorsiklo mula sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Ayon kay Ko, nabawi niya na ang dalawang motorsiklo ( KMX Kawasaki at YZ Yamaha) kamakailan pero nadismaya siya nang malaman na may mga nawalang piyesa dito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Isang Benjamin Estropia ng Barangay Sta. Monica ang nanghiram sa kanya para umano sa karera noong Enero 2020 subalit dahil sa pandemya ay hindi natuloy ang motocross.

Paliwanag umano sa kanya ni Benjamin ay nasa shop lang nito ang mga nawawalang spare parts at iti-turn over na lang daw sa barangay pero hanggang ngayon ay hindi pa ito naibabalik.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Iginiit ni ginoong Ko na dapat ibalik sa dating itsura ng kanyang motorsiklo dahil kung hindi ay itutuloy niya ang reklamo kay Benjamin sa barangay.

Samantala, tumanggi na magpaunlak ng panayam sa Brigada ang inirereklamo.