Suspek sa pagpatay sa isang negosyante, nahuli na; baril narekober

NAHULI na ang isang suspek sa pagpatay sa isang negosyante na si Paterno Yasa Betita Jr. sa Manalo Extension Bgy. Milagrosa, Puerto Princesa City.

Kagabi, ganap na alas-syete , ika-5 ng Disyembre ay isinilbi ng mga tauhan ng Police Station 2 at Police 1 ang arrest warrant sa suspek na si Kenneth Angeles Lagan, 35 anyos sa Brgy. Milagrosa, Puerto Princesa City.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nang siya’y kapkapan ng awtoridad ay narekober dito ang isang Calibre 38 armscor na may anim na bala.

Maliban dito, may nakuha rin na walong ( 8 ) bala sa isang pouch mula sa kanya kaya nahaharap ito sa kasong Illegal possession of firearms sa ilalim ng Republic Act 10591.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon sa Police Station 1, pang-holdap di umano ang motibo ng suspek at ng isa pa nitong kasama kaya tinambangan at binaril ang biktimang si Betita noong ika-30 ng Hunyo 2022.