2 most wanted sa Human Trafficking sa Puerto Princesa, huli sa Iloilo

Arestado ng Police Station 1 sa pangunguna ni PMaj. Alta C. Xerxes sa Iloilo Terminal Market, Brgy. Rizal Palapala 2, Iloilo City ang dalawang most wanted sa Puerto Princesa.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, ganap na 8:15 ng umaga kahapon, March 1, 2022 ay matagumpay na naaresto ng pulisya bitbit ang arrest warrant ang mga suspek na sina Josephine Abayon Ilangos, 45 anyos  at si Allan Ilangos.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan
Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang mga suspek ay parehong Top 17 Most Wanted sa Police Station 1 Puerto Princesa.

Sila ay may kasong paglabag sa Anti-trafficking of Person Act of 2003 na walang piyansa.