2 mangingisda sa Virac, Catanduanes na unang naiulat na nawala sa laot, natagpuan na kahapon

BNFM BICOL— Natagpuan na ang dalawang mga mangingisda mula sa bayan ng Virac, Catanduanes na napaulat na nawala sa gitna ng laot nitong nakaaraang araw ng Martes, Disyembre 7.

Batay sa report ng Virac-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, napadpad sa barangay Tipunan sa isla ng Rapu-Rapu, Albay ang mga mangingisdang kinilalang sina John Paul Vargas, 24-anyos residente ng Brgy. San Vicente at si Kemuel Borja,  16-anyos residente naman ng Brgy. Ibong Sapa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pasado alas sais na ng umaga kahapon nang matunton ang dalawang mangingisda sa naturang lugar na agad namang ipina-blotter ng isang nagngangalang Estrella Labrador- ang umanoy barangay secretary ng Brgy. Tipunan.

Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang mangingisda habang napag-alaman naman na may isa pang kasamahan ang mga ito na kinilalang si Fernando Vargas, 45-anyos, ama ni John Paul, na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matagpuan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Kaugnay nito, nagsagawa naman ng pagpupulong kahapon ang LGU-Baras, Catanduanes kasama ang mga personahe ng PCG, MDRRMO at PDRRMO kung saan tinalakay ang pagkawala naman ng lima pang mga mangingisda mula sa naturang bayan simula pa nitong December 6.

Matatandaan na sa bayan ng Viga, anim na mangingisda rin ang nawala sa laot kung saan dalawa sa mga ito ang nakaligtas habang ang apat ay bangkay na nang matagpuan.###