2 magka-inuman, nagsaksakan at nagtagaan dahil sa online game

Tinaga ng kanyang kainuman ang isang lalaki matapos inagaw ang kanyang cellphone habang naglalaro ng online game.

Ayon sa ulat ng Kalibo Municipal Police Station, nag-iinuman ang dalawa, kasama pa nito ang dalawa pa nilang katrabaho nang maganap ang insidente.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Ikinagalit umano ng suspek ang pag-agaw ng biktima sa cellphone ng kanyang kainuman habang ito’y naglalaro ng online game.

Unang sinaksak ng biktima ang salarain ng basag na bote ngunit daplis lamang ang natamo sa kanyang tiyan.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Lumaban ang salarin at doon na pinagtataga ng itak ang biktima kung saan siya’y tinamaan sa ulo at leeg.

Masuwerte namang hindi malubha ang kalagayan ng biktima na nasa ospital ngayon; habang ang suspek ay inaresto ng kapulisan.