2 katao patay matapos makuryente sa ginagawang apartelle sa Capalonga

CAMARINES NORTE – Patay ang dalawa katao makaraang makuryente sa loob ng ginagawang Apartelle sa Purok 4, Barangay Poblacion, Capalonga, Camarines Norte Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeron Binas Mugar 43 at Jose Marchan Apodaca kapwa residente ng Taytay Rizal at empleado ng Naga City-Cam Sur Aluminum Glass and Construction Services.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Batay sa imbestigasyon ng Capalonga Municipal Police Station habang iniaabot ni Apodaca na nasa ikalawang palapag ng ginagawang apartelle ang metal furrings kay Mugar na nasa ikatlong palapag ay dumikit ito sa live wire dahilan para ang mga ito ay makuryente.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Makikita sa mga ibinahaging larawan sa newsteam ni PMajor Diana De De Vera, Chief of Police ng Capalonga MPS na isinugod pa sa Camarines Norte Provincial Hospital Annex II ng mga rumispondeng tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.