2 indibidwal arestado sa illegal logging sa magkahiwalay na lugar sa Sorsogon; 2 pang suspek, nakatakas

Arestado ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan dahil sa paglabag sa ‘Forestry Reform Code of the Phils.

Unang naaresto sa bayan ng Bulan si Jerson Guarino Gutay, 37-anyos, binata, driver naninirahan sa Brgy Calpi ng nasabing bayan habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito na nakilalang sina Onofre Navarro alias Daba at marlon Navarro parehong residente ng Brgy Dolos ng nasabing bayan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang tatlong suspek ay naaktuhan ng nagpaaptrolyang personahe ng Bulan PNP at 2PMFC sa Brgy Lajong.

Narekober naman ng mga awtyoridad sa Brgy Bariis, Matnog ang 12 pirasong kahoy ng Antipolo na nagkakahalaga ng mahigit P4,500.00.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Kinilala ang suspek na si Salvador Glen Cayaban Fulgar, 50-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa nasabing barangay.

Ang apat na indibidwal ay mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o illegal logging.