35 ‘tulak’ naaresto ng SPPO sa loob ng 5 buwan

SORSOGON CITY – Kabuuang 35 drug personalities ang natiklo ng drug enforcement units ng Sorsogon Police Provl Office (SPPO) sa kanilang ikinasang anti-illegal drugs operation mula Enero 1 hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

Sa tala ng PRO5, aabot sa 337 na ‘tulak’ ng iligal na droga ang naaresto sa loob lamang ng 306 na inilunsad na operasyon kung saan nasamsam dito ang  aabot sa mahigit 400 gramos ng Marijuana at mahigit 3,781 na gramos ng shabu na may kabuuang halaga na mahigit P25M.

Sa 35 drug personalities na naaresto ng SPPO, walang naitala  na naneutralisa habang sa kabuuang bilang na 337 na naarestong tulak ng droga sa rehiyon, ay tatlo dito ang nanlaban at napatay ng mga operatiba.

Ang Camarines Sur PPO ay nakapagtala ng pinakamaraming naaresto na drug personalities habang ang SPPO ay nagpang-apat sa puwesto.

Ayon sa pamunuan ng PRO5, patuloy nilang palalawakin ang mga inisyatiba sa paglaban sa iligal na droga at sa pagsisimula ng bagong administrasyon ng gobyerno ay parehong sigasig ang kanilang ipapakita upang maisakatuparan ang layunin para sa isang komunidad na walang droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *