2 driver ng truck patay sa pamamaril sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang dalawang driver matapos na pagbabarilin sa Sipocot, Camarines Sur.
Nangyari ang insidente sa Sitio Lagatic, Brgy. Taisan bandang alas 8:46 ng gabi , nitong Jan. 11, 2023.
Ang mga biktima nakilalang sina Kervie Amardecer y Besca, 40-anyos ng Cagayan De Oro City patungong Maynila at Saturnino Cruz Jr y Solero, 32-anyos ng San Andres, Catanduanes.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ulat ng PNP nakasaad na nakaupo si Amardecer sa kaniyang dalang 10-wheeler truck na nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada nang pagbabarilin. Ayon kay PCMS. Ermon Abogado, nakausap nila ang helper sa truck, isinalaysay na may bigla na lamang nagbukas ng pinto ng kanilang truck, pinagbabaril ng hindi pa matukoy na suspek ang driver at siya naman ay nakatakas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Si Cruz naman, nadamay lamang. Tinamaan ng ligaw na bala, dahilan upang malawan ng control sa sasakyan at bumangga dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Nagpapatuloy ang pagtukoy sa responsable sa krimen.