2 dialysis centers, bubuksan sa So.Cot

KORONADAL CITY – TARGET ng provincial government ng South Cotabato na maging operational na sa buwan ng Agosto ang dalawang dialysis centers na bubuksan sa Polomolok at Norala.

Sa kanyang State of the Province Address o SOPA, inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na handa na ang tig 10 mga dialysis machines sa Polomolok Municipal Hospital at Norala District Hospital.

Sa pamamagitan nito, inaasahan na madadagdagan din ang mga benepisyrayo ng Free Dialysis Program sa South Cotabato.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan ay mayroong 10 dialysis machines sa Dialysis Center sa South Cotabato Provincial Hospital.

Samantala, nasa 80% na ang completion rate ng extension building ng South Cotabato Provincial Hospital na ipinatatayo sa Protech Center sa Koronadal City.

Ayon sa gobernador, na ang dagdag na hospital building ay inaasahang makatutulong upang madecongest ang provincial hospital na dinadagsa ng mga pasyente dahil sa ipinatutupad na Free Hospitalization program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *