2 deputies sugatan sa pamamaril sa North Carolina

Dalawang deputies ang nabaril malapit sa Boone, North Carolina sa America na nagresulta pa sa standoff sa suspected shooter.

Ayon sa report, nagresponde ang Sheriff office sa isang tawag para sa wellness check bunsod ng hindi pagtugon ng homeowner at ng pamilya nito sa mga telephone calls.

Pagpasok pa lang umano ng mga deputies ay agad silang sinalubong ng putok ng baril mula sa hindi nakilalang individual sa loob ng bahay.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang isa sa mga sugatan habang hindi pa matiyak ang sitwasyon ng isa pang naiwan sa crime scene

Napilitan ding ilikas ng mga otoridad ang mga kalapit na residente dahil sa nangyaring standoff

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *