Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng 65-anyos na lola matapos ito mamatay sa bugbog at ibinalot ang ulo sa plastik sa Barangay Aguado sa Trece Martires, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon, nakita umano ng anak ng biktima ang wala nang buhay na katawan ng ina na nakagapos ang mga kamay na puro pasa ang katawan at nakabalot na ang ulo nito sa plastik.
Lumabas sa medico-legal ng biktima na blunt force trauma sa leeg ang sanhi ng pagkamatay.
Ayon sa pulisya, mismong ang manugang ng biktima ang kanilang primary suspek lalo na’t nahuli silang nagtatalo ng biktima.
Dati na rin umanong may tensyon sa pagitan ng suspek at biktima dahil ninakaw umano ng suspek ang mga alahas ng biktima.
Sa ngayon, nakaburol na ang labi ng biktima habang nagpapatuloy ang manhunt operation ng pulisya upang matunton ang suspek.