CAMARINES SUR- Matapos ang pagpasa ng mga dokumento at mabusising pagproseso, nasungkit ng dalawang bayan sa Camarines Sur ang National Award for Anti-Drug Abuse Council.
Sa 35 munisipalidad ng Camarines Sur, tanging ang bayan ng Presentacion at Magarao lamang ang nagawaran ng pagkilala sa national level. Sa iniwan na pahayag sa Brigada News FM Naga ni LGU Presentacion Spokesperson Vicente “Jojo” Buenafrancisca Jr.,sinabing ito ay resulta ng pagkakaroon ng pagkakaisa at koordinasyon ng bawat sektor ng komunidad maging ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa kanilang bayan.
Matatandaan na kinilala rin ang bayan bilang isa sa mga may functional peace and order council kung kaya’t umaasa ang opisyal na mapapanatili ng kanilang bayan ang pagkakaroon ng tahimik at maayos na lipunan.