2 barangay sa Guinobatan, Albay nagpahayag ng pagkabahala sa Sangguniang Bayan kaugnay ng isinasagawang quarry operation

LEGAZPI CITY – Nagpahayag ng pagkanahala ang dalawang baranggay sa Guinobatan, Albay sa Sangguiniang Bayan kaugnay ng isinasagawang quarry operation sa kanilang mga lugar.

Ang naturang mga baranggay ay Muladbucad Pequeño at Muladbucad Grande, kung saan kanilang inerereklamo na patuloy umanong isinasailalim sa quarry operation ang bahagi ng dalawang mga baranggay kahit pa ito ay itinuturing na ‘naturally reclaimed land’.

Dagdag pa rito, ang pagtambak sa natural na daanan ng tubig ay maaaring maging dahilan upang makaranas ng matinding pagbaha.

Mayroon umanong paglabag ang operasyon, dahil ito ay patuloy na nangyayari sa kabila ng isinaad ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) Mines and Geosciences Bureau (MGB) na itigil na ang aktibidad.

Sa ngayon, ayon kay Chairman on Committee on Public Safety at Committee on Environment, Bob Bañaga, sila ay nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon sa naturang pangyayari upang malaman ang magiging aksyon dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *