Pinatawan ng sanctions ng US ang mga kaanak at malalapit kay Russian President Vladimir Putin kabilang ang anak nito na sina Kataerina Vladimirova Tikhonova at Maria Vladimirovna Vorontsova, kapwa nasa legal nang edad.
Ayon sa report, maliban sa inner circle at anak ni Putin, kabilang din sa napatawan ng sanction ang pamilya ni Foreign Minister Sergei Lavrov at ilang major banks.

Ang panibagong sanction ay kasunod ng nabunyag na bagong karahasan na sinasabing kagagawan ng Russian troops sa Ukraine kabilang dito ang mga nabunyag na pinaslang na mga sibilyan sa mga kalsada ng bayan ng Bucha na malapit lamang sa capital city na Kyiv.
Una nang nanindigan ang Russia na gawa-gawa lamang ng mga opisyal sa Kyiv ang alegasyon ng mga karahasan sa Bucha.
Ipinaliwanag ng US na kumbinsido silang itinatago ni Russian President Vladimir Putin ang kanyang mga yaman sa mga miyembro ng kanyang pamilya.