2 araw na tigil-pasada ng Grupong Piston at Manibela, natapos na ngayong araw

Tinapos na ng grupong PISTON at MANIBELA ang kanilang tigil-pasada ngayong araw.

Kasunod nito, tiniyak ni MANIBELA Chairman Mar Valbuena na papasada pa rin sila sa May 1 para magsilbi sa mga komyuter.

Ayon kay Valbuena, alam niyang umalingawngaw sa Malacañang ang kanilang panawagan kaya umaasa siya na lalambot ang puso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ibasura na ang PUV Modernization Program at ibalik ang kanilang limang taong prangkisa.

Samantala, hindi pa masagot ni Valbuena kung kailan masusundan ang tigil-pasada.

Aniya, magpapahinga muna sila ng ilang araw bago magpulong at magplanong muli sa mga hakbang na kanilang gagawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *