Japan – posibleng isama sa Balikatan Exercie ng PH at US

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na regular nang makabahagi ang Japan sa Balikatan exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ni Balikatan Executive Agent Col. Michael Logico na good move o magandang hakbang ang plano ng Pangulo sa pagsama ng Japan sa Balikatan exercise.

Sa ngayon kasi ay observer lang ang papel ng Japan sa Balikatan kaya limitado lang ang kanilang pakikibahagi sa naturang aktibidad.

Ayon kay Logico, sa ngayon ay kasama ang Japan sa kanilang concept development para sa Balikatan.

Pagkakataon kasi ito para matuto, mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Japan at magkaroon ng kaalaman sa kanilang doktrina.

Dagdag pa ni Logico, para sa 2025 ay mayroon na silang imbitasyon sa Japan para sa Balikatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *