12-anyos na bata, natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan

Inaagnas na nang matagpuan ang katawan ng isang 12-anyos na batang babae sa loob ng isang sasakyan kahapon sa Barangay Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, hinanap ng uncle ng biktima ang masangsang na amoy hanggang sa makita nito ang nakaparadang sasakyan na nilalangaw at mayroong mga uod.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Dahil dito, kinausap nito ang kapitbahay na nagmamay-ari ng sasakyan upang masuri at nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang katawan ng bata na nasa state of decomposition na.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Salaysay ng ina ng may-ari ng sasakyan, gabi ng June 16 nang iparada umano ng kaniyang anak ang sasakyan at June 17 naman nang nakita nito ang biktma na bumili sa kanilang tindahan.

Samantala, tumanggi naman ang pamilya ng biktima na isailalim pa ang katawan nito sa autopsy.