2 aksidente sa kalsada naitala sa Milaor nitong nagdaang Semana Santa

NAGA CITY –  Nakapag-rehistro ng dalawa lamang na vehicular accident ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Milaor Camarines Sur,na ang mga sangkot na sasakyan ay single motorcycle at pedicab,maliban diyan ay tahimik ang buong bayan sa naging pag-obserba sa Semana Santa.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa pahayag sa Brigada News Fm Naga ni Edwin Olitoquit,ang MDRRM Officer,sinabi niya na napakababa nito kung ihahambing noong nakaraang taon,na marami dahil sa ilang mga dahilan tulad ng nakainom,puyat ang driver na karaniwang nangyari ay gabi at madaling araw.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Anya’y malaking tulong din ang kanilang Summer Vacation Stations na nasa tatlong barangay,sa Flordeliz,San Jose at sa Amparado Poblacion na may mga naka duty mga personahe nila,mga pulis,personahe ng Municipal Health Office,Bureau of Fire Protection at mga barangay opisyal.