19 Female PDLs sa Quezon City Jail – nagtapos ng kolehiyo

Hindi naging hadlang ang pagiging isang person deprived of liberty (PDL) sa 19 na mga kababaihan para sila’y makapagtapos ng kolehiyo.

Kahit na nasa detention facility sila – nagtapos pa rin sila sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Dahil dito – mabibigyan sila ng oportunidad na makapagtrabaho sa pamamagitan ng programa ng QC PESO sa oras na sila’y makalabas na.

Bahagi ito ng programang ‘No Woman Left Behind’ ng Quezon City LGU, pati na rin ng QC Jail Female Dormitory.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Sa 19 graduates – isa ang convicted, anim ang nakalabas na at nagtapos ng programa online; at 12 ang naka-detain pa dahil sa pending na mga kaso.

Isinagawa ang kanilang graduation ceremony sa Camp Karingal.