Legazpi Mayor nagpasaring sa katunggali matapos maghaing ng COC sa pagkagobernador ng Albay

BICOL—Hindi man direktang binanatan pero may ilang mga pahaging ang aspirante sa pagkagobernador ng Albay na si Mayor Noel Rosal sa kasalukuyang namumuno sa probinsya.

Sa kanyang mga pahayag matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka gobernador kahapon, sinabi ni Rosal na ang paggo gobyerno ay hindi lamang patungkol sa imprastraktura.

Kung tutuusin kasi anya, nasa tatlo hanggang apat na bilyong pisong pondo kada taon ang ibinubuhos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga proyektong pang imprasktraktura sa lalawigan pero marami pa ring naghihirap dahil hindi naman umano akma sa pangangailangan ng mga tao ang ibinibigay na mga proyekto.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Binigyang-diin din nito ang importansya ng transparency sa pondo kung saan kailangan umanong alam ng bawat munisipyo ang mga perang pumapasok sa probinsya at ito anya ang sisiguruhin niya sa bawat Albayano.

Maging anya sa pagdedesisyon, kailangang concerted effort at hindi lamang mula sa gobernador o sa Sangguniang Panlalawigan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ibinida rin nito ang pagiging competitive city ng Legazpi sa buong bansa at ito anya ang nais niyang maibahagi sa buong lalawigan ng Albay.

Binanggit nito ang pagpapalakas sa ilang mga programa kabilang ang imprastraktura, turismo at pangkabuhayan.

Magugunita na una na ring nagpasaring si Governor Al Francis Bichara sa mga Rosal kasabay ng pagpahayag ng suporta sa Mayoralty candidate sa Legazpi na si Congressman Alfredo Garbin Jr.### -with reports from BNFM Legazpi