18 store owners sa barangay Puro nakatakdang ilipat para sa pagsasaayos ng kanilang pwesto ayon sa task force kaayusan at kalinigan

LEGAZPI CITY – Nakatakdang ilipat pansamantala muna ang 18 store owners sa Barangay Puro lungsod ng legazpi sa isang lugar na malapit lang sa kanilang pinagpwepwestohan.

 Ito ang inihayag ni Andy Marbella, ang head ng Task Force Kaayusan at Kalinisan ng City Local Government Unit (LGU). Ayon kay Marbella, aayusin muna ng Ctiy Engineering Office ang kanilang pinagpwepwestohan ng mga vendors sa nasabing barangay.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

 Aniya, sa oras na matapos ang pagpapaganda ng kanilang pwesto ay makakatulong din ito sa kanilang dagdag kita pang araw araw. Planu ng lokal na pamahalaan na gawin itong People’s Park ang nasabing lugar.

 Samantala, nagpasalamat rin si Judy Rocuyan, Secretary ng Vendors Organization at Spokesperson, na maisasaayos na rin ang kanilang pwestong pinagtatayuan ng mga tindahan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

 Aabotin umano ng anim na buwan ang pagsasaayos ng nasabing Park.  Ayon pa kay Rocuyan, apektado rin ang mga ito sa panahon ng pandemya kung kayat nalugi sa pagnenegosyo. Paglilinaw rin nito, hindi nagpabaya ang Alkalde ng lungsod dahil sa nabigyan rin ito ang bawat may ari ng negosyon ng ayuda mula sa City Government ng Legazpi.