17 sugatan matapos tamaan ng air strike ang Children’s and maternity hospital sa Ukraine

Sugatan ang 17 tao matapos tamaan ng Russian air strike ang Children’s and maternity hospital sa Mariupol city Ukraine.

Ayon sa report, may mga nasawi din sa pangyayari habang natabunan ang ilang mga bata mula sa tinamaan na gusali.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kaugnay nito, tinukoy ng city council na malawak ang pinsala ng nasabing airstrike sa nasabing ospital habang tinawak ng United Nations ang nasabing pag-atake bilang “shocking”.

Samantala, marami na din sa mga residente ng lungsod ang walang access sa pagkain, tubig, kuryente at petrolyo.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa pinakahuling report, umabot na sa mahigit 500 Ukrainians ang nasawi habang halos isang libo na ang mga sugatan mula nang mag-umpisa ang serye ng pag-atake ng Russian forces sa Ukraine