17 asosasyon sa Zambales, pinagkalooban ng Patrol tricycle ng provincial government

Pinagkalooban ng mga patrol tricycle na tinawag na sulong patrol tricycle ang labing pitong asosasyon ng mamayan sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay para matulungan ang mga rehistradong asosasyon na mapabilis at mapadali ang paghahatid ng mga serbisyo sa kani-kanilang nasasakupan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ilan sa mga nabigyan nakalipas na March 6 ay ang Samahang Kababaihan ng San Narciso, IP Communities ng Sitio Banawen, San Felipe, Sitio Tektek, Lupang Pangako sa Iba, mga liblib na barangay sa Candelaria at Palauig.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kasabay naman sa pamimigay ay ang pag-award ng sertipiko ng pag-aari sa mga naturang sasakyan.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: Zambales for the People