168 newly promoted PNP personnel ng Albay nanumpa na

LEGAZPI-Aabot sa 168 na pulis ng Albay PPO ang kasama sa mga napromote at nanumpa na sa sinagawang Ceremonial Oath-Taking at Pinning of Ranks for CY 2021 sa 2nd Level Uniformed Personnel Regular Promotion.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Sa mensahe ni Albay PPO Provincial Director Arnold Santiago, ang karagdagang ranggo ng mga ito ay hindi lamang isang dekorasyon kundi may kaakibat na responsibilidad.

Aniya, dapat lamang na pahalagahan ito habang nasa serbisyo tulad ng paggawa ng tama at huwag sayangin ang panahon na makatulong at makapagserbisyo.

Read More:  DOST-backed community project begins in Himamaylan City

Maliban pa rito, nagbigay rin ito ng mensahe sa pagpapatakbo ng personal na buhay maging maayos na ehemplo ng pamilya.