Faulty syringe isa ring problema sa vaccination site maliban sa kakulangan ng suplay ng bakuna

CAMARINES NORTE- Maliban sa kakapusan ng suplay ng bakuna ay isa ring problema ngayon sa mga vaccination site ay ang “faulty” syringe.

Isa lang sa nakaranas nito ay ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud sa gitna ng nagpapatuloy na bakunahan kontra COVID- 19.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, bagamat nakakatuwa na marami na ang gustong magpabakuna ay problema naman ang “faulty” syringe at kakulangan ng suplay lalo na para sa pediatric population

Marami po talagang nagpapabakuna lalong lalo na sa pediatric jab, ang isa lang po na kinalulungkot talaga natin eh kulang po yung mga ibinababa na mga bakuna Pfizer at Moderna na para po sa kanila kaya minsan napapuwi pa yung iba, nasosobrahan yung mga pumipila kasi nagbabasakali rin sila,” ani Davoco sa panayam ng Brigada News FM Daet.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, nandiyan na ang bakuna pero dahil may sira ang syringe ay hindi rin magamit.

Sa kabila nito tiniyak ng Alkalde na nakakapag emergency procurement naman ang LGU dahil mayroong itong pondo sa medical supplies.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Hindi naman umano inaabot ng matagal ang procurement lalo’t nasa ilalim pa ngayon ng  state of health emergency ang bansa.

“Pag kasi ganito na about naman sa COVID since meron pa ho tayong state of health emergency, National Health Emergency, mabilis lang ho tayong nakakapag procure, siguro mga isang linggo lang darating na ho yung mga syringe.”

Muli namang hinimok ng opisyal ang mga mayroong agam- agam na magpabakuna na para na rin sa kaligtasan ng lahat.