163 record-high na COVID-19 recoveries, naitala ng Quezon province

Ayon sa latest COVID-19 bulletin ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), nakapagtala ng 163 na record-high na bagong recoveries ang lalawigan ng Quezon dahilan para sumampa na sa bilang na 8,457 ang gumaling sa buong lalawigan.

Samantala, may 61 naman na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala dahilan para sumipa na sa bilang na 9,830 ang total tally ng buong probinsya.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Nasa 999 ang aktibong kaso sa lalawigan kung saan nangunguna pa rin ang mga bayan sa ikalawang distrito gaya ng lungsod ng Lucena na may 138 kaso, Sariaya na may 94 na kaso at Candelaria na may 88 kaso.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Kaugnay nito, may 5 bagong nasawi dahilan para umakyat na sa bilang na 374 ang mortalities dahil sa nakamamatay na virus. | Brian Zagala, BNFM Lucena

Reference: Quezon Integrated Provincial Health Office COVID-19 Bulletin April 22, 2020