Pabor ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo sa plano ng Department of Social Welfare and Development na makipag-ugnayan na sa mga Local Government para sa pay out ng Educational Assistance.
Ito ay matapos dumagsa ang publiko nakalipas na Sabado sa iba’t ibang tanggapan para makakuha ng ayuda.
Sa facebook post ni Sec. Erwin Tulfo, humingi ito ng paumanhin dahil sa mga pangyayari at sinabing ilalapit na ang educational assistance sa mga benipisyaryo sa tulong ng mga taga-City Hall at munisipyo.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., sa ngayon ay wala pang ibinababa sa kanilang kautusan tungkol dito pero pabor ang opisyal na hingin ang tulong ng mga LGU para makatulong sa mas maayos na sistema.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO