15,000 housing units, itatayo sa Angeles City

Lumagda na sa memorandum of understanding o MOU si Angeles city mayor Pogi Lazatin at ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD sa pangunguna ni Secretary Jose Acuzar.

Kaugnay ito sa itatayong 15 thousand units ng pabahay sa Angeles sa ilalim ng programa ng national government na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.

Nasa 12 building na tig-22 storeys ang ipapatayo para sa mga qualified beneficiaries.

Sa ilalim ng MOU, ang city government ang magbibigay ng lupa pag titirikan ng building, at sila rin ang responsable sa pag pili ng magiging benepisyaryo.

Habang ang DHSUD naman ang in-charge sa implementasyon ng naturang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *