150 residente ng Legazpi City biktima ng investment scam; P40M natangay

LEGAZPI-Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang mag-asawa na nasa likod ng isang investment Scam at tumangay ng aabot sa 40 million pesos sa aabot 150 na residente ng Legazpi City.

Ayon kay Atty. Norma Tan Olaya, officer in charge ng Securities and Exchange Commission, ang nirereklamo ngayon ng mga ito ang real mind/Secret of life investment scheme ang hindi aprobado ng kanilang tanggapan na pinapatakbo ng mag asawang Mr. Jesus Rey Realo Jr. and Ma. Ledwina Oca Realo II na residente ng Barangay San Roque ng kaparehong lungsod.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Salaysay naman ng mga biktima na karamihan ay walang trabaho at ang iba ay private employee, ang nasabing mag-asawa ang nag offer sa kanila ng investment na aabot sa 10 thousand pesos at pinangakuan na tutubo sa susunod na mga buwan.

Lumalabas rin na ang naging transaction sa pagitan ng mga biktima at suspek ay sapamamagitan ng online fund transafer cash transaction, cash deposit, at GCASH.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kasalukuyan na rin na naihain ang reklamo sa PNP Legazpi at CIDG o Criminal Investigation and Detection Group.

Samantalang panawagan na lamang ng SEC Legazpi na maging wais at huwag basta basta maniniwala sa naglipang investment scheme ngayong pandemya.

Samantalang, maging si Barangay Kapitan Joselito Martinez  ay nanawagan na rin sa mga suspek na sumuko na lamang.