LEGAZPI CITY – Hawak na ng mga awtoridad ang isang 26 anyos na babae matapos maaresto sa Brgy. San Vicente bayan ng Oas Albay dahil sa kasong Adultery.
Kinilala ang akusado na si alyas Ligaya, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report, pinuntahan ng mga kapulisan ang lugar na tinutuluyan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na isinampa ng kanyang asawa umano sa kasong adultery.
Aabot sa P24K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Ang akusado ay agad dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.